PLPasig Hymn "Sinag ng Pag-asa"
Words and Music by Dr. Oscar B. Pagulayan Sariwain ang nagdaan Nang kami 'yong alagaan Puso't isip iyong binuksan Talino ay pinagyaman Batang isip pinalitan Pinuspos ng karunungan Tulad ng bakal 'yong pinanday Tumibay ang katauhan Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Tanglaw ka sa aming bayan Iyong pamana'y laging buhay Sa 'ming dibdib nakaukit Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Sinag ka na pag-asa Bagong umaga'y 'di na pangarap Tagumpay nati'y nakamtan na Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Buhay pag-asa ng bayan ko |